Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH: COVID-19 `airborne’ wala pang ebidensiya

0 372

Wala pa umanong sapat na ebidensya para suportahan ang report ng may 200 scientists na nagbabala na ang novel coronavirus ay maaring makahawa sa pamamagitan ng `tiny airborne particles’ na sumasàma sa hangin.

Nabatid sa open letter ng World Health Organization (WHO), 239 scientists sa 32 bansa ang nagpahayag na ang lumulutang na virus particles ay maaring maka- infect kung mahihinga ng tao.

“We are studying all of these articles that are coming out every day and still there are not enough evidence at this moment to specifically say that it is already airborne,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Hiniling din ng mga scientist sa Geneva-based agency na i-update ang kanilang guidelines sa COVID19. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.