Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH COVID bulletin pumalya uli

0 71

Nabigo kahapon ang Department of Health (DOH) na makapaglabas ng COVID-19 case bulletin dahil sa patuloy na technical issues.

“We will retract the released Case Bulletin because we have few edits and quick revisions,” paliwanag ng DOH.

Bago ang insidenteng ito, tatlong araw nang hindi nakapagtala ng COVID-19 death dahil pa rin sa technical issues sa COVIDKaya.

Naantala rin, kamakalawa ang pagpapalabas ng case bulletin na normal na naipapalabas tuwing alas-kuwatro ng hapon.

Huling nakapagtala ang DOH ng 20,755 bagong kaso ng COVID-19 base na rin sa case bulletin No. 561 na inilabas nito noong Linggo.

Sanhi ng mga bagong kaso ng sakit, umakyat na sa 2,490,858 ang naitatalang total COVID-19 case sa bansa hanggang nitong Setyembre 26, 2021.

Mayroon namang 24,391 bagong gumaling sa karamdaman, sanhi upang umabot na sa 2,292,006 ang total COVID-19 recoveries sa bansa, o 92.0% ng kabuuang kaso. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.