Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH: Davao City marami uli bagong COVID case

0 88

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 sa Davao City na umabot sa 137 hanggang nitong alas-kuwatro ng hapon ng Miyerkoles, Nobyembre 25.

Base sa DOH COVID—19 Case Bulletin No. 256, pangalawa sa Quezon City na may 68 bagong kaso, 59 sa Batangas, 54 sa Laguna, at 47 sa Cavite.

Mayroong 1,202 mga bagong kaso ang naitala sa buong bansa kaya nasa 422,915 na ang kabuoang bilang ng mga nagkasakit dahil sa COVID-19.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Habang may 183 naman ang bagong nakarekober sa coronavirus kaya nasa 386,955 na ang kabuuang bilang ng gumaling sa naturang sakit.

Nasa 27,745 naman ang mga aktibong kaso ng COVID-19.

Nadagdagan din ng 31 ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 kaya sa ngayon ay 8,215 na ang kabuoang bilang ng nasawi sa coronavirus.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.