Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH: Delikado `pag hindi rehistradong gamot

0 186

Ipinahayag ng Department of Health (DOH) na mayroong batas laban sa paggamit ng mga hindi rehistradong gamot kaugnay na rin sa pagsusulong ng ilang mambabatas sa Ivermectin bilang pangontra sa COVID-19.

“Nakalagay sa batas natin sa RA 9711, manufacture, importation, exportation, sale, offering for sale, distribution, transfer, promotion or advertising or sponsorship of health protocols without proper authorization of FDA is prohibited. I think that’s self-explanatory,” ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang online press briefing.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ito ni Vergeire nang matanong tungkol sa mga mambabatas na sinusulong ang paggamit ng Ivermectin kontra COVID-19 sa kabila ng mga babala ng mga health expert na hindi rehistrado ang naturang gamot para gamitin sa tao.

“We would just like to advise the public na katulad ng lagi naming sinasabi, kapag hindi rehistrado ang gamot na ite-take niyo, the government cannot assure that these can be safe for you and it is going to really protect your from this specific disease,” ani Vergeire.

Leave A Reply

Your email address will not be published.