Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH `di kayang solohin pagbakuna – Senado

0 59

Iginiit ng ilang mambabatas sa Senado na hayaan ng national government ang inisyatiba ng mga local government unit (LGU) at pribadong sektor na bumili ng sariling bakuna dahil hindi naman umano kayang gawin ng Department of Health (DOH) ang mass vaccination laban sa COVID-19 sa bansa.

“Ang punto lang dito, just to be fair, agawan ho talaga ng vaccine, ngayon ang mungkahi ko po, personal na mungkahi ko sa IATF, once nabigyan na ang bakuna ng authorization, hayaan na natin ang mga lokal na pamahalaan na bumili at malaya na dapat silang bumili at makipag-usap para mabigyan nila kaagad `yong tinatawag nilang priority na sektor dahil kung aantayin pa natin `yong lahat dumaan sa national government, mabagal ho talaga,” sabi ni Senador Sherwin Gatchalian.

Ginawang halimbawa nito ang implementasyon ng COVID-19 test kung saan ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) lang ang pinapayagan.

“Pero noong pinayagan na ho `yong ating mga lokal na pamahalaan, maraming nagatayo ng sariling testing facility, bumilis na ang testing sa atin, hindi na naging problema ang testing sa atin,” ani Gatchalian.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ganito rin ang pananaw ni Senador Francis Pangilinan kung saan solusyon aniya para epektibong maipatupad ang pagbabakuna ay isali ang mga LGU at pribadong sektor.

“Bakit ayaw nilang bigyan ng authority ang private sector at LGU na bumili ng vaccine at magkaroon ng mas efficient at mas masigasig na vaccine roll-out? I think that is a key solution,” ani Pangilinan.

Duda si Pangilinan na makakayang abutin ng gobyerno ang target nitong pabakunahan laban sa COVID kapag hinayaan lang mag-isa ang DOH.

“Kung aasa lang si (vaccine czar Secretary Carlito) Galvez sa DOH bureaucracy, he might as well be a general without an army…I have no doubt Gen. Galvez has what it takes to make this work,” ani Pangilinan.

Wala aniyang “sense of urgency” ang DOH at malinaw namang nakita ito sa nakalipas na 11 buwan na may pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.