Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH, DICT, DOST pasaway sa contact tracing app

0 235

Hindi sumusunod ang ilang ahensya ng gobyerno sa paggamit ng contact tracing app na inirekomenda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Sa joint hearing ng House committees on health at information and communications technology, sinabi ni dating contract tracing czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong na dapat sumunod ang lahat sa paggamit ng StaySafe.ph app.

Kung gagamit man umano ng ibang app dapat ay ikonsulta ito sa IATF.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na hindi StaySafe ang gamit ng Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Health (DOH) at Department of Science and Technology (DOST).

Pinagtibay sa joint hearing ang House Resolution No. 1563 na akda ni Speaker Lord Allan Jay Velasco para isang contact tracing app lamang ang gamitin upang mas maging maayos ang pagproseso ng mga datos. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.