Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH dikdikin sa P2B napasong gamot – De Lima

0 77

Pinasisiyasat ni Senador Leila de Lima ang hindi maayos na pamamahagi ng Department of Health (DOH) ng mga gamot at iba pang medical supply na nagresulta sa pagkasira nito.

Sa Senate Resolution No. 539 na inihain ni De Lima, inaatasan nito ang akmang komite na imbestigahan ang Commission on Audit (COA) report hinggil sa P2.2 bilyong halaga ng expired o overstocked na gamot at iba pang suplay sa imbentaryo ng DOH.

Base sa COA report, ang expired na gamot ay P29.94 milion, habang ang overstocked ay P1.144 bilyon at ang malapit nang masirang mga gamot ay nagkakalahaga ng P1.024 bilyon.

Sabi ni De Lima, hindi ito ang unang pagkakataon na nasobrahan ng bili ng gamot at hindi naman naipamahagi nang mabuti ng DOH.

Noong Hulyo 2019, batay sa annual audit report ng COA, mahigit P18.449 bilyon halaga rin ng mga gamot ang nabili mula 2015 hanggang 2019 ang hindi naipamahagi sa mga government hospital, health enter at iba pang treatment facility.

“Mantakin ninyo, habang namamatay na lamang sa paghihintay para sa libreng gamot ang mga kababayan nating nakaratay sa banig ng karamdaman, heto ang DOH na hinayaan lang masayang ang mga gamot na dapat sana’y nagdugtong sa kanilang mga buhay,” ani De Lima. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.