Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH: Dobleng face mask dagdag proteksiyon

0 165

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na doblehin ang sinusuot na face mask laban sa COVID-19.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, makakadagdag ng proteksiyon laban sa virus ang pagsusuot ng dalawang face mask.

“Hinihikayat natin ang lahat ng ating kababayan na mag-double mask upang ma-maximize ang filtration and protection. Atin din pong siguruhin na hindi maluwag at tama ang fit ng mask,” sabi ni Vergeire.

Mahalaga aniya ang face mask lalo na kung makikisalamuha sa ibang tao kapag lumalabas ng tahanan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Magsuot ng mask lalong-lalo na kung tayo ay lalabas at makikihalubilo sa mga taong `di kasama sa bahay,” ani Vergeire.

Payo pa ng DOH na dapat palitan ang suot na surgical mask kada anim na oras.

Gawin naman aniyang regular ang paglalaba ng mga cloth mask at itapon naman ang ginagamit na N95 mask kapag nabasa o maluwag na. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.