Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH, DOTr huwag ipitin Bayanihan 2 pondo – Angara

0 277

Maraming ahensiya ng gobyero ang hindi nagagamit ang pondong nakapaloob sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 na nakatakdang mapaso sa Hunyo ngayong taon.

Ayon kay Senador Sonny Angara, chair ng Senate committee on finance, ilan dito ay ang Department of Transportation (DOTr), Department of Agriculture (DA) at Department of Health (DOH).

“Mayroong iba-iba, may pondo dito sa agrikultura, parang may P1.5 billion, hindi pa na-obligate. Dito sa transportation, P6 or P7 billion pa. Doon naman sa health parang mayroon pang P9 billion `di pa obligated,” pahayag ni Angara sa isang panayam sa radyo.

Sabi ni Angara, walang siyang nakikitang dahilan para maantala ang paglabas ng pondo dahil may sapat namang panahon ang mga departamentong ito lalo na’t pinalawig ang Bayanihan 2 hanggang Hunyo 30, 2021.

Apela pa ni Angara sa mga ahensiya ng gobyerno, simplehan ang kanilang pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng pandemya na karamihan naman ay pawang mga mabababa ang kita. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.