Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH: Face mask, shield wa epek sa maraming tao

0 130

Nakiusap ang Department of Health (DOH) sa publiko na sumunod sa mga health protocol dahil buhay pa ang banta ng COVID-19.

Ito’y kasunod ng mga ulat kung saan nagsisiksikan na umano ang mga tao sa Divisoria isang linggo bago mag-Disyembre.

“Bagamat alam natin na sabik na tayo magpunta ng mall, mamili tayo ng mga pampasko natin, alalahanin natin nandyan pa ang virus at ang virus mas naihahawa sa mga tao and among you `pag andun kayo sa mga lugar na talagang siksikan,” sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Babala ni Vergeire, kahit pa naka-face mask at face shield ang publiko ay delikado pa ring magkahawaan ng sakit kapag nakipagsiksikan sa matataong lugar.

Aniya pa, dapat ay mag-isip ng bagong pamamaraan para ipagdiwang ang Pasko sa new normal.

“Gusto lang natin ipaalala na ang risk ng pagkakahawa-hawa ay napakalaki kapag tayo ay nakakapunta sa mga lugar na maraming tao katulad nung sa Divisoria noong weekend,” ani Vergeire. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.