Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH hahabulin 77M target sa COVID bakuna

0 35

Puntirya ng Department of Health (DOH) na maabot ang 77 milyong Pilipino na bakunado laban sa COVID-19 hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30, 2022.

Katumbas ito ng 85% sa unang target ng gobyerno na 90 milyong population protection laban sa coronavirus.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mabagal na ang bilang ng mga nabakunahan kaya ginagawa ang lahat ng paraan para maabot ang target hanggang sa katapusan ng Hunyo.

Umaasa ang opisyal na maabot nila ang target na 77 milyon kaya paiigtingin pa ang pagbakuna lalo na sa mga lugar na mababa ang vaccination rate.

“Sa ngayon iyan po ang ating working target. We already were able to vaccinate 68.5 million Filipino so kaunti na lamang ang inaasahan natin at sana ay maabot natin by the end of June,” dagdag ni Vergeire. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.