Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH handa sa Paskong pandemya

0 93

Pinaghahandaan na ng Department of Health (DOH) ang posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ngayong Kapaskuhan dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga tao sa mga pampublikong lugar.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na bumubuo na ang DOH ng contingency plan para sa tinatawag na post-holiday season surge dahil sa posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ngayong kapaskuhan.

“Mas mabuti nang maagap, sabi nga. Alam natin na ang Christmas season ay isang masayang okasyon sa Pilipinas kung saan marami ang pagtitipon, pagkikita-kita at reunions ng mga miyembro ng pamilya,” ani Roque.

Pinaalalahanan ng kalihim ang publiko sa pagpapanatili ng social distancing, paggamit ng face mask, face shield at ang madalas na paghuhugas ng kamay. Naglabas din ng paalala ang DOH para maging ligtas sa holiday season. Kabilang sa mga ito ang pagdalo ng online masses, noche buena o media noche kasama ang pamilya sa loob ng tahanan, at online video call sa mga pamilyang magkakalayo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.