Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH: Higit 3K lang bagong kaso ng COVID

0 65

Muling napagtala ang Department of Health (DOH) ng panibagong record low na 3,656 bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa hanggang alas-kuwatro kahapon ng hapon.

Sa pinakahuling DOH COVID Case Bulletin No. 585, umabot na sa 2,735,369 ang kabuuang bilang ng mga indibiduwal na dinapuan ng coronavirus sa bansa.

Habang may naitalang 228 na bagong gumaling at lima lang ang nasawi.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa buong bansa, 2.5% (67,061) ang aktibo, 96.1% (2,627,331) na ang gumaling at 1.50% (40,977) ang namatay.

SM food to go Banner Ad

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Oktubre 18, 2021 subalit mayroong dalawang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Samantala, sa kabila ng bumababa na mga kaso ng COVID, inihayag ng DOH na hindi dapat maging kampanate ang publiko.

Binigyang-diin ng DOH na kailangan pa rin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa mga minimum public health standard at agad na magpabakuna. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.