Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH hihigpitan virus test sa mga biyahero

0 134

Rerebisahin ng Department of Health (DOH) ang virus testing protocol para sa mga biyahero na pumapasok sa Pilipinas.

Ayon sa DOH, ang mga biyahero ay muling isasalang sa swab test makalipas ang limang araw na sila ay naka-quarantine.

Ito’y para matiyak umano kung talagang negatibo ang isang biyahero sa COVID-19 bago payagang makauwi sa kanilang mga tahanan.

Nangangahulugan umano ito na ang sintomas ng COVID-19 ay lumalabas lima hanggang 14 na araw matapos silang ma-expose sa mga taong nagpositibo sa virus.

“Our agreement with the technical working group of IATF, we will be revising our protocol where we will be testing when they get to their place of destination, especially for international travelers. And they get to be tested again after five days,” sabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.