Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH, IATF ipoporma travel ban sa bagong coronavirus

0 69

Rerebisahin ng Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang mungkahing magpatupad ng mas istriktong travel protocol mula sa mga bansang may napaulat na bagong COVID-19 strain.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, inatasan na niya ang DOH technical team at mga eksperto ukol dito at ihaharap nila ang magiging rekomendasyon sa IATF sa gaganaping pulong ngayong Lunes.

Nabatid din sa DOH na nakikipag-ugnayan sila sa World Health Organization (WHO) para sa mga bansa na may kumpirmado nang kaso ng bagong COVID. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.