Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH: Ingat sa pekeng COVID testing center

0 282

Naglabas ng babala ang Department of Health DOH kaugnay ng mga iligal na coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing center na gumagamit pa umano ng logo ng ahensya para mapaniwala na accredited sila.

Sa nilabas na listahan ng DOH, 83 ang linsensyadong COVID-19 testing center at laboratoryo sa buong bansa ang tanging maaaring magsagawa ng -PCR (reverse transcription polymerase chain reaction) testing.

Ayon sa DOH, ang mga wala sa listahan ay walang permiso mula sa kanila para magsagawa ng testing. Sinabihan din nito ang publiko na maging maingat sa mga ganitong uri ng iligal na transaksyon dahil wala silang ineendorsong testing center at hindi rin maaaring gamitin ang kanilang logo nang hindi lisensyado.

Leave A Reply

Your email address will not be published.