Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH iniipit pondo ng mga district hospital – Ping

0 74

Isinulong ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson ang pag-decentralize sa pondo ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP) mula sa Department of Health (DOH) central office para matiyak na makukuha ng mga district hospital ang kinakailangan nilang budget.

Ito’y dahil dumadaing na aniya ang mga lokal na pamahalaan na bagama’t nasa lugar nila ang mga district hospital ay nakalagay pa rin sa DOH ang pondo para sa mga ito.

“Bakante or kulang ang facilities or unmanned ang district hospitals, because DOH sometimes is slow in downloading or procuring equipment for district hospitals. Hindi nagkaroon ng serbisyong totoo sa district hospitals,” pahayag ni Lacson sa pagdinig ng Senado sa panukalang budget ng Department of Interior and Local Government (DILG) para sa 2022.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Giit ni Lacson na dapat siguruhing ang mga lokal na unit na ang magpapatupad at bibili ng mga kailangan nilang pasilidad at kagamitan para sa kanilang district at provincial hospital.

“I think for the 2022 budget, we should itemize and even earmark already funds for the HFEP and even personnel that will man the district hospitals. Kulang na kulang ang pondo sa ibang provinces especially the poorer ones, nakatiwangwang sa district hospitals,” diin ni Lacson.

Dagdag pa ni Lacson na matagal nang ipinaglalaban ang pag-download ng pondo para sa mga proyekto ng mga local na pamahalaan.

“Ang nangyayari ngayon, ang laki ng unused appropriation sa DOH,” paliwanag ni Lacson. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.