Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH iraratsada AstraZeneca vaccine na mapapaso sa Mayo

0 212

Siniguro ng Department of Health (DOH) na walang masasayang na bakuna ng AstraZeneca sa harap ng nalalapit na expiration date nito sa Mayo 2021.

Kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mahigit 500,000 doses ng AstraZeneca bakuna na natanggap ng pamahalaan mula sa COVAX Facility ang nakatakdang mapaso ang bisa sa katapusan ng Mayo.

Subalit wala aniyang dapat ikabahala dahil may inilatag na silang istratehiya para maiturok ang pangalawang dose nito sa takdang panahon.

“It is not expired, sa end pa ng May. Na-compute na namin iyan at aabot

po ‘yong intervals sa second doses and the current doses that we have,” paglilinaw ni Vergeire sa virtual briefing.

“Ang second dose naman niyan, you can give from four weeks to 12 weeks. So pasok na pasok naman po ang ating schedule at aabot naman po lahat sa pagbabakuna natin ito,” sabi pa nito.

Ipinaliwanag pa ni Vergeire na halos lahat naman ng bakuna ngayon laban sa COVID-19 na binigyan ng emergency use authority (EUA) ay maikli lamang ang bisa o nasa anim na buwan lamang.

“Actually parang purposively ang ginawa talagang pinakamahabang expiry date ngayon ay six months kasi alam ng mga manufacturers na evolving ‘yong ating sitwasyon at maaaring kailangan nilang baguhin or iayos itong mga bakunang pinapagamit sa mga bansa kaya ganoon ang expiry,” ayon kay Vergeire.(PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.