Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH: Iwas leptospirosis sa tag-ulan

0 277

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa posibleng pagkakasakit ng leptospirosis sa harap ng posibleng pananalasa ng bagyong `Rolly’ sa bansa.

Sinabi ni Dr. Beverly Ho, Health Promotion Bureau director ng DOH, na dapat iwasan ang paglusong sa baha ngayong may inaasahan na bagyo

Kung hindi talaga maiwasang lumusong sa baha lalo na kung mayroong sugat sa paa ay agad na makipag-ugnayan sa mga health center sa inyong lugar upang mabigyan ng prophylaxis at makaiwas sa sakit na leptospirosis.

Tiniyak ng DOH na sa kabila ng abala ang mga ospital sa mga pasyenteng nagkasakit dahil sa COVID-19 ay may nakalaan pa rin silang espasyo para sa paggamot sa iba pang sakit katulad ng leptospirosis na karaniwang tumataas ang kaso sa panahon ng tag-ulan.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.