Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH kabado sa taas-baba ng COVID case

0 46

Hindi pa maaaring ideklara ng Pilipinas na kontrolado na ang COVID-19 pandemic sa bansa, ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire kahapon.

Sinabi ito ni Vergeire matapos ang pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III na kokonsultahin ang World Health Organization(WHO) kung maari nang ideklarang kontrolado ang pandemya sa bansa.

“We are not going to declare this soon. We are just coordinating with WHO on the process and the determinants of disease control or containment,” ayon kay Vergeire.

Para kay Vergeire, marami pa ang puwedeng mangyari kung kaya’t mahirap sabihing kontrolado na ang pandemya ng COVID sa bansa.

“We can’t definitely say that. Marami pang uncertain na nangyayari sa atin. Na-experience na natin in the past na napababa ang mga kaso but after some time, tumaas pa rin. So we need a longer time to evaluate,” paliwanag ni Vergeire.

SM food to go Banner Ad

Kada rehiyon sa bansa ay nahaharap aniya sa iba’t ibang sitwasyon sa COVID-19 pandemic.

Maaaring mataas na aniya ang bilang ng mga nabakunahan kontra COVID sa Metro Manila at pinaigting din ang community response subalit kung ikukumpara ito sa iba pang lugar sa bansa ay maroon pa ring mababa ang pagbabakuna.

Una nang sinabi ni Duque na hihingi siya ng patnubay sa WHO kasunod ng pagbaba ng positivity rate sa bansa na mas mababa sa 5% mula pa noong Nobyembre 13 kung saan natugunan nito ang benchmark ng WHO.

Nabatid na nasa 2.5% ang positivity rate ng Pilipinas hanggang noong Miyerkoles. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.