Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH kinakapa pagbagal ng hawaan sa virus

0 77

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang pagbagal ng mga kaso ng COVID-19 sa nakalipas na linggo pero hindi umano dapat kaagad na mahusgahan ito dahil sa nabawasang test output mula sa mga laboratoryo.

“Nakikita natin ang unti-unting pagbaba, nakikita natin in previous weeks, bumagal po ang pagtaas ng kaso and in this past week, nakita naman natin na unti-unting nababawasan o nagde-decline ang numero ng kaso,” ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa public briefing.

“But we would like to emphasize to everybody that we should cautiously interpret our current data dahil alam po natin ngayon mayroon tayong issues sa laboratory outputs,” sabi ni Vergeire.

Binanggit ni Vergeire na hinihintay nila na bumaba ang bilang ng mga COVID-19 test na isinasagawa sa mga laboratoryo at isa rin sa iniimbestigahan nila ay ang paggamit ng antigen test sa halip na RT-PCR test.

SM food to go Banner Ad

“We are trying to analyze if the use of antigen test, na hindi pa natin naisasama sa ngayon sa ating mga datos, ay nakakaapekto dito,” ani Vergeire.

Sa kasalukuyan aniya may mga ospital, doktor at mga pamilya ang gumagamit ng antigen test subalit dapat na mai-report ang anumang resulta nito sa mga lokal na pamahalaan.

“Based on our recent analysis, with almost 6,000 plus that were submitted to us na resulta ng antigen, when we validate it, only about 300 were according to the purpose that it was used `yong tama ang paggamit,” dagdag pa ni Vergeire.

Sinabi pa ni Vergeire na sa kasalukuyan, nakikita nila ang pagbaba ng kaso ng COVID sa Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal pero tumataas naman ang sa ibang lugar sa Luzon. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.