Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH kinasa 2nd booster sa mga frontliner, tanders

0 77

Inaprubahan kahapon ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng pangalawang booster shot para sa mga senior citizen at health worker.

Ayon sa DOH, aprubado para gamitin na pangalawang booster shot ang mga bakuna kontra COVID-19 ng Moderna at Pfizer.

“After careful study and consideration of the best available evidence, we shall now roll out effective immediately the second booster for our frontline health workers and senior citizens,” pahayag ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Maaaring iturok ang pangalawang booster shot apat na buwan matapos mabigyan ng unang booster.

Unang inilarga ang pangalawang booster noong Abril ngunit para lamang sa mga taong mayroong comorbidity o dati nang may sakit. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.