Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH kinokonsidera RT-PCR test sa monkeypox

0 181

Pinag-aaralan ng Department of Health (DOH) ang pagbili ng mga RT-PCR test kit para sa mga indibiduwal na dinapuan ng monkeypox.

Sa Viber message ng DOH sa mga reporter, inihayag na kausap na nila ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at ang Philippine Genome Center para sa laboratory requirements na kinakailangan sa monitoring ng monkeypox.

Ayon sa DOH, mayroon nang mga ulat na nakagawa ang mga test kit manufacturer sa China ng nucleic acid test kits para sa monkeypox.

Kapag naaprubahan umano ito ng gobyerno ng China ay siguradong makagagawa na ng maramihang test kit na ibebenta sa merkado.

Subalit binigyang-diin ng DOH na ibabatay pa rin nila sa mga scientific evidence ang magiging desisyon sa pagbili ng test kit at isasapubliko ang mga kaganapan ukol dito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.