Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH kinontra halo-halo coronavirus vaccine

0 278

Hindi inirerekomenda ni Health Secretary Francisco Duque III ang paggamit ng magkaibang uri ng bakuna kontra COVID-19 para sa isang tao dahil sa kawalan umano ng ebidensiyang magsasabi na mabisa ito.

“I do not advocate for this as of yet because there is no proof, sufficient data to support the claim that a mixed vaccine policy works. There are some articles I’ve read proposing possible use of mixed vaccines but I have one fundamental problem with that theory or hypothesis,” ani Duque.

May pangamba ang kalihim na kung magkaiba ang brand ng bakuna sa first at second dose at kung sakaling magkaroon ng seryosong side effect ay mahihirapang matukoy kung aling bakuna ang nakaapekto sa tinurukan.

Aniya, “Unless science comes forward with convincing evidence and data to show for example na vaccine Pfizer and Moderna na both using MRNA platform baka doon pwede.”

Ilang vaccine expert sa Pilipinas ang nagpaplano ukol sa posibilidad na paghaluin ang iba’t ibang brand ng COVID-19 vaccine dahil na rin sa limitadong supply nito. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.