Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH kinopya presyo ng Sinovac sa Google

0 109

Inamin ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na kinuha sa Google ang presyo ng mga COVID-19 vaccine na isinumite nito sa Senado.

Sa pagdinig, tinanong ni Senador Panfilo Lacson ang listahang ibinigay ng kalihim sa Senate committee on finance noong 2020. Base dito, ang Sinovac ang pangalawa sa pinakamahal sa presyo P3,629 para sa dalawang dose, kasunod ng Moderna na nagkakahalaga ng P3,904 hanggang P4,504.

“I was told Mr. Chairman, ito ho ‘yong ginoogle nila at lumabas nga itong sa Reuters which I already have the copy,” sagot ni Duque sa pagtatanong ni Lacson.

Ayon kay Duque, ang tinatayang P3,629 na presyo ng Sinovac vaccine ay kabuuhang halaga nang i-compute ang $60 na halaga kasama ang tax at inflation.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“So the sole basis of that submission, ‘yong news report ng Reuters and there was no effort to check with Sinovac, the firm, itself para ma-validate lang?” tanong ni Lacson.

Giit naman ni Duque, noong panahon na iyon, walang komunikasyon ang DOH sa alinmang vaccine maker kaya umasa lang sila sa news report.

Dismayado naman si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa sagot ni Duque at iginiit na dapat sinuri muna bago isinumite sa Senado.

“The moral of the story ‘wag submit nang submit, i-verify n’yo muna at baka mapagbintangan,” sabi ni Sotto. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.