Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH lalabanan red-tagging sa mga health worker

0 178

Hindi palalampasin ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang iba’t ibang anyo ng panggigipit sa mga health worker katulad ng diskriminasyon at red-tagging.

Tiniyak nito na mananagot ang sinomang masasangkot sa diskriminasyon at red-tagging sa mga health worker.

Ginawa ni Duque ang pahayag matapos aniya ang kanilang konsultasyon sa hanay ng mga health worker kung saan ipinabatid sa kaalaman ng kagawaran ang mga insidente ng diskriminasyon, pananakot at iba pang karahasan sa kanilang hanay.

Kabilang aniya dito ang red-tagging kahit na nagtatanong lamang ang mga health worker ukol sa kanilang mga sahod at iba pang benepisyo.

“We stand against any form of discrimination, intimidation, and violence against them. These acts will not be tolerated. We will hold perpetrators of these acts accountable and will collate reports from our HCWs for proper investigation and resolution,” base sa pahayag ni Duque.

Leave A Reply

Your email address will not be published.