Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH may tapyas presyo sa COVID test

0 45

Ibinaba ng Department of Health (DOH) ang price cap ng RT-PCR tests sa P2,450 hanggang P3,360 sa pampubliko at pribadong pasilidad.

Sinabi ng DOH na ang RT-PCR testing sa mga public facility ay dapat na nagkakahalaga ng mula P2,450-P2,800.

Habang ang halaga ng RT-PCR testing sa private facilities ay dapat na nasa P2,940 hanggang P3,360 bilang maximum.

Habang ang price cap para sa home service ay nasa P1,000.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid noong nakalipas na taon, ang price cap ng RT-PCR tests ay nasa P3,800 sa public facilities at P4,500-P5,000 para sa pribadong hospital at laboratoryo.

Nagbabala ang DOH na mahaharap sa suspensiyon ng lisensiya sa loob ng 15 araw sa unang­ paglabag habang 30 araw na suspensiyon sa ikalawang paglabag at rebokasyon ng lisensiya sa ikatlong paglabag.

Gayundin, pagmumultahin ng P20,000 at P30,000 ang mga lalabag na laboratoryo sa una at ikalawang paglabag. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.