Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH: Mga bahay ikutan na para sa pagbakuna

0 93

Isinulong ng Department of Health (DOH) ang pag-iikot sa mga kabahayan para maturukan ng bakuna kontra COVID-19 at upang mabawasan din ang pagsisiksikan sa mga vaccination center.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na “good strategy” kung magbahay-bahay na sa pagbakuna kung kaya rin lang gawin ito ng mga lokal na pamahalaan.

“Unang-una, masisiguro natin na hindi magkukumpul-kumpol ang mga tao. Kung mayroon mang iikot hindi na kailangang pumunta pa ang mga kababayan natin sa isang lugar para doon mag-antay mabakunahan. Pangalawa, mas maganda kasi masusuyod natin ang bahay-bahay,” ayon kay Vergeire.

SM food to go Banner Ad

“Maganda po iyang strategy na iyan if LGUs have the resources, maari po nating gawin iyan,” aniya pa.

Nabatid na target ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na makapagbakuna ng mula 180,000 hanggang 200,000 indibidwal habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang rehiyon.

Sabi ni Vergeire, kapag nagawa ito ay maaaring mabakunahan na ang 70% ng populasyon sa Metro Manila pagsapit ng Setyembre.

Leave A Reply

Your email address will not be published.