Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH: Mga batang may sakit una sa COVID bakuna

0 74

Bibigyan ng prayoridad ang mga batang may sakit o comorbidity kapag sinimulan na ang pagbabakuna sa mga menor de edad para mabigyan sila ng proteksyon laban sa COVID-19, ayon sa isang opisyal ng Department of Health (DOH).

“Inaayos pa ang polisiya at guidelines. Dapat umpisahan ang pagbabakuna sa mga batang may comorbidities,” sabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje.

Inaalam pa umano ng DOH kung kailan sisimulan ang pagbakuna sa mga menor de edad at kailangan may pahintulot ito ng mga magulang at ng batang tuturukan kontra COVID.

Pinag-aaralan din aniya ng mga eksperto ang mga posibleng side effect ng bakuna sa mga bata. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.