Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH: Mga kaso ng COVID sa PH pababa

0 60

Bumababa na ang mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa kabila ng naobserbahang pagtaas nito sa ilang lugar sa bansa matapos ang holiday season.

Sabi ito ni Director Alethea De Guzman ng Department of Health (DOH) Epidemiology Bureau sa ginanap na pulong balitaan sa media nitong Huwebes.

“[T]he epidemic curve shows we are doing so much better now. Although there’s some peak in January, it’s not as large as when we first started,” ayon kay De Guzman.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hanggang Pebrero 15 ay nakapagtala aniya ang bansa ng kabuuang 550,860 kaso ng COVID kung saan ay 27,588 5% ang aktibong kaso. Mas mainam umano ang bilang na ito kumpara sa dating iniulat na 8-9% aktibong kaso.

Maging ang recovery rate aniya na nasa 92.9% ay magandang indikasyon na maayos na natutugunan ang mga kaso ng COVID sa bansa.

Subalit pinaalala ni De Guzman sa publiko na maging maingat pa rin at sundin ang mga pinatutupad na health at safety protocol kung nais natin na mabuksan na ang ekonomiya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.