Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH naalarma sa nasal swab test

0 238

Nagpahayag ng pangamba ang Department of Health (DOH) sa nasal swab testing ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kasunod ng pagkabutas ng brain lining ng isang babaeng pasyente sa United States (US).

Sinabi ni Health Undersecretary at spokeswoman Maria Rosario Vergeire na dapat ay mga skilled healthcare workers ang kukuha ng specimen.

“Kaya nga po tine-train natin ang ating mga tao, yung mga gumawa nyan, para maiwasan po yung mga ganitong pangyayari,” ayon kay Vergeire .

“Kailangan din po `yung mga tamang supplies na ginagamit, yung tamang swab, yung tamang proseso para gawin ‘yan, ‘yan po dapat ang tamang ginagawa,” dagdag pa ni Vergeire.

Nakarating sa DOH ang ulat na isang American female patient, na nasa edad 40 ang nagkaroon ng leak na fluid sa kanyang ilong matapos mabutas ang brain lining nito na naging daan para manganib ang kanyang buhay.

Posible umanong isinagawa ang nasa swab test nang hindi sumunod sa striktong standard.

Gayunman, sinabi ni Vergeire na hindi iyon dapat maging dahilan para matakot ang mga Pinoy. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.