Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH nagbabala sa mga sakit ng tag-ulan

0 61

Inabisuhan ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang mga local government unit at ang publiko na paigtingin ang kampanya laban sa dengue at iba pang water-borne disease ngayong pumasok na ang panahon ng tag-ulan.

Kabilang aniya umano sa sakit na nakukuha sa panahon ng tag-ulan bukod sa dengue ay ang leptospirosis, cholera, typhoid fever at diarrhea.

Payo ni Duque sa publiko na dapat pakuluang mabuti ang iniinom na tubig para maiwasan ang mga sakit.

Gayundin, dapat aniyang isulong ang paglilinis sa kapaligiran upang maiwasan ang dengue at hanapin ang mga lugar na pinamumugaran ng mga lamok. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.