Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH nagpasaklolo sa mga blood donor

0 125

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na huwag matakot na mag-donate ng dugo para makapagligtas ng bahay.

Sinabi ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire dahil kinakapos na umano sa suplay ng dugo ang mga blood bank sa Metro Manila bunga na rin ng kaukulangan ng donor nito.

Ayon kay Vergeire, may shortage ng dugo sa ngayon partikular sa Metro Manila kung saan 70 hanggang 80% ng pangangailangan ng mga pagamutan sa dugo ay ginagawaan lamang nila ng paraan.

Tiniyak nito na ligtas pa rin ang blood donation sa kabila ng pandemya dahil hindi naman sa mga pagamutan na may COVID-19 patient kukuhanan ng dugo ang nais mag-donor. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.