Abante Tonite Interactive

DOH nakiramay sa pamilya ng nasawi sa mental hospital shooting

0 277

Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Health (DOH) sa pamilya ng mga nasawi sa naganap na pamamaril sa loob mismo ng National Center for Mental Health (NCMH), kamakalawa sa Mandaluyong City.

“The hospital is in full operation and functioning­ normally,” ayon sa DOH.

Dakong alas-2:30 ng hapon nang barilin ng suspek na lolo ang apo nito nang sumagot ito nang mali-mali sa kanyang mga tanong. Binaril rin ng dalawang ulit ng suspek ang kanyang misis dahil nagalit ito nang makitang napatay ang kanya apo.

Kasunod nito, nagbaril din sa sarili ang suspek.

Dahil sa nangyari, inutos ng pamunuan ng NCHM na higpitan ang seguridad sa nabanggit na pagamutan. (Juliet de Loza-Cudia)