Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH nilunsad lusog-isip mobile app sa mental health

0 192

Inilunsad ng Department of Health (DOH) sa pakikipag-ugnayan sa USAID RenewHealth, ang kauna-unahang mobile application na lusog-isip kaugnay sa selebrasyon ng mental health at self-care para sa mga Filipino.

Nabatid na ang lusog-isip app ay dinivelop bilang tugon sa lumalaking pangangailangan para sa mental healthcare sa panahon ng COVID-19 pandemic kung saan naging malaking hamon ang “face-to-face” interventions.

Layunin nito na mapalawig ang access sa mga culturally-adapted, evidence-based tools at interventions sa mental health,para sa self-help at self-care.

Nabatid na ini-screen ng app ang mga indibiduwal nang sa gayon ay makita kung nasa ayos ang kanilang pagkatao at kung papaano nila dinadala ang stress,bago magrekomenda kung paano nila matutulungan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng workbooks, exercises, audio guides, journaling, mood tracking, o simpleng self-care reminders.

SM food to go Banner Ad

Kapag ang user ay nakakaramdam na kinakailangan nilang may makausap ,mayroon din silang access sa listahan ng mental health at psychosocial support service providers malapit sa kanila o online.

“This app is a timely innovation and we thank our partners at USAID for making this a reality. As the DOH and our health workers strive towards coping and living with this pandemic, we must find ways to care for the mental well-being of our fellow Filipinos who continue to suffer because of this current circumstance. Lusog-Isip is a self-care app and one way we can bring mental healthcare more accessible to those who need it” ayon kay Ms. Frances Prescilla Cuevas, Chief Health Program Officer of the DOH Mental Health Division.

Isinagawa ang presentasyon ng apps sa ginanap na 4th Public Health Convention on Mental Health na pinangunahan ng DOH.

Ang Lusog-Isip app ay makikita sa Android at iOS devices sa pamamagitan ng Google Play at Apple App Store.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.