Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH: Pasaklolo sa mental health hotline dumagsa

0 395

Kumpara noong nakaraang taon, mas mataas ang bilang ng mga tawag sa crisis hotline ng National Center for Mental Health (NCMH) sa unang quarter ng 2021, ayon sa Department of Health (DOH)

Inilahad ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang datos ng NCMH kung saan 3,006 tawag ang ginawa sa 09178998727 (USAP) at 9898727 (USAP) hotlines mula Enero 1 hanggang Marso 15, 2021.

Sa nasabing bilang, 867 ang tawag na may kaugnayan sa suicide.

Mas marami ito kumpara sa 1,540 tawag na naitala mula Enero hanggang Marso 2020, kabilang ang 100 na may kinalaman sa suicide.

Dagdag pa ng DOH, hanggang noong Marso 15, ang average na bilang ng mga tawag kada buwan ngayong taon ay 1,002.

Mula 35 hanggang 53 naman ang average na tawag sa mental health hotline kada araw.

Ang mga pinakakaraniwang rason aniya ng pagtawag sa NCMH hotline ay anxiety at depression, stressful life events, interpersonal concerns, mood concerns, at referral services.(SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.