Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH personnel hiring sisilipin

0 52

Isa sa mga sisilipin ng Senado sa pagdinig nito sa panukalang budget ng Department of Health (DOH) ay ang personnel hiring ng kagawaran.

Ang panukalang budget ng DOH para sa 2021 ay P203.74 bilyon. Ang P71.5 bilyon nito ay ilalagak sa kontrobersyal na Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance, kadalasang hindi nagagamit ng DOH lahat ng pondong inilaan para sa kagawaran sa buong taon at ang mababang disbursement rate nito ay madalas kinukuwestiyon sa budget deliberation sa Senado.

Ang mabasbang disbursemenr rate ay madalas aniyang nakikita sa dalawang programa ng DOH: ang Health Facilities Enhancement Program at sa Human Resources for Health (HRH).

“Ang sabi nila, kapag tinatanong namin noong nakaraang taon bakit hindi nagagastos `yong budget na binibigay dito sa pagha-hire ng health personnel, sabi nila minsan walang nag-a-apply especially sa mga probinsya,” ani Angara.

Dahil ipinagbabawal naman aniya ang pagpapadala ng mga medical worker sa ibang bansa, umaasa itong magagamit ang naturang pondo sa pag-hire ng maraming doktor at nurse.

“Siguro, as an alternative, baka tignan nila itong mga public positions sa gobyerno na sa ngayon, ayon sa DOH, ay nababakante. `Yon sana ang mangyari diyan at ma-fill up na itong mga vacant position,” ani Angara. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.