Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH pinaglaban Sinovac ng China

0 71

Inihayag ng Department of Health (DOH) na pasok sa minimum 50% efficacy rate na itinakda ng World Health Organization (WHO) ang bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Sinovac mula sa China.

Ito’y kasunod na rin ng pahayag ng ilang mambabatas na nagsasabing pagsasayang lamang ng pondo kapag bumili ang gobyerno ng bakuna na 50% lamang epektibo laban sa COVID.

Paliwanag pa ni Vergeire sa Laging Handa public briefing, maging ng US Food and Drug Administration at ang European Medicines Authority ay 50% rin ang itinakdang minimum efficacy rate para sa bakuna kontra COVID.

SM food to go Banner Ad

Sa kabila nito, tiniyak ng DOH na dadaan sa mahigpit na regulatory procedure ang mga COVID bakuna bago ito subukan sa publiko.

Ginawa ni Vergeire ang pahayag kasunod ng mga pagdududa sa bakunang gawa ng Sinovac, isang kompanya sa China, na napaulat na 50% lamang ang efficacy rate laban sa COVID.

“Kapag sinabi na 50 percent efficacy rate, `yan naman ay sinasabi na kapag pumasok dito, dadaan pa rin `yan sa stringent regulatory process natin, so we would still be able to determine and ensure na ang papasok po rito ay katanggap-tanggap sa ating populasyon,” sabi ni Vergeire.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.