Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH pinalagan NTC text sa outdoor Christmas party

0 133

Hindi umano aprubado ng Department of Health (DOH) ang text blast kung saan ineenganyo ang mga Pinoy na magsagawa ng Christmas party sa labas.

Sa naturang text na pinadala gamit ang linya ng National Telecommunications Commission, binanggit ang Department of Information and Communications Technology, Health Professionals Alliance Against COVID-19 at DOH. Ayon sa mensahe, “May Christmas party? Buksan ang mga bintana at electric fan. Mas ligtas kung outdoor ang venue. Maligayang Pasko? Kaya natin ‘to!.”

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, hindi nila inaprubahan ang naturang mensahe, “So we are now trying to investigate kung saan po galing at sino ang nag-umpisa makapaglabas nito,” dagdag niya, “DOH has not officially released this message yet because we wanted to further study it because it might cause confusion with our public.” (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.