DOH pinamudmod na mga pa-expire na bakuna

Naipamahagi na ng Department of Health (DOH) lahat ng malapit nang ma-expire na Moderna vaccine na binili ng pribadong sektor at ipinahiram sa gobyerno.
Sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje, ang mga naturang bakuna na nakatakdang ma-expire sa Nobyembre 30 ay binili ng mga pribadong kompanya para sa kanilang mga empleyado.
Subalit nabakunahan na umano ng pamahalaan ang mga empleyado bago pa dumating ang mga biniling COVID vaccine ng pribadong sektor.

Nabatid na ipinahiram ang mga naturang bakuna sa pamahalaan upang hindi masayang ang mga ito.
“We have already deployed all of them. Binigay natin ito sa areas na maganda ang performance at siyempre may cold chain capacity,” ani Cabotaje.
Aniya pa, karamihan ay ipinamahagi sa Central Luzon at Calabarzon. (Juliet de Loza-Cudia)