Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH sa mga boss: Alagaan mental health ng tauhan

0 100

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga employer na maghatid ng tulong sa kanilang mga tauhan pagdating sa usapin ng mental na kalusugan ng mga ito sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Mataas po talaga ng naidudulot na stress ng isang health emergency sa mental health,” sabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire. “Nire-remind po natin ang ating mga kababayan, nag-issue po ang DTI ng circular na responsable po ang employers na pabutihin ang physical at mental resilience ng kanilang mga empleyado.”

Dagdag pa ni Vergeire sa mga employer, panatilihin ang balance sa trabaho at personal na buhay ng kanilang mga empleyado. “Work-life balance should be observed in scheduling of activities/workplace rotation, at kung saka-sakaling may magkaroon ng depression, they should be referred to DOH hotlines para mabigyan po sila ng guidelines kung ano ang dapat gawin.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.