Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH sa mga ospital: Dagdagan capacity sa virus patient

0 311

Pinaghahanda ng Department of Health (DOH) ang mga ospital sa Metro Manila sakaling kailanganin na dagdagan ang nakalaang puwesto para sa mga COVID-19 patient.

“Be prepared to implement an additional 20 percent surge capacity if and when needed,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sa DOH Administrative Order No. 2020-016 na nilabas noong Mayo 4, dapat hindi bababa sa 30 percent ng mga hospital bed sa mga pampubliko at pribadong ospital ang para lamang sa mga COVID-19 case. Pero ayon kay Vergeire, maraming ospital ang hindi sumusunod dito, kaya pinulong niya ang mga hospital administrator sa Metro Manila para tiyaking susundin ang patakaran. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.