Abante Tonite Interactive

DOH saludo sa anti-discrimination law ng Maynila

370

Pinuri ng Department of Health (DOH) ang lokal na pamahalaan ng Maynila dahil sa kanilang inisyatibo na magpasa ng isang anti-discrimination ordinance para sa mga person under investigation, person under monitoring at mga frontliner partikular sa hanay ng mga health worker.

Sa ilalim ng Ordinance No. 8624 o The Anti COVID-19 Discrimination Ordinance of 2020, ipinagbawal ang anomang discriminatory acts laban sa mga PUI, PUM, mga frontliner, at mga health worker.

“This is a necessary step towards avoiding unfair treatment and crimes against our countrymen who are victims of this virus, including our frontliners who are instrumental in our fight against COVID-19,” ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire.

Nagpasya ang lokal na pamahalaan ng Maynila na ipasa ang naturang ordinansa dahil sa nararanasang diskriminasyon at harassment ng mga health worker.

Mariing kinondena ni Vergeire ang mga ganitong pang-aapi sa hanay ng mga health worker at iba pang frontliner na nagsasaripisyo na nga aniya para isalba ang ating bansa mula sa krisis na dulot ng COVID-19.

“Instead of turning our backs on them and hurting them because we are scared of getting infected, we need to give them thanks and celebrate them. There is no match for their dedication and service to our country,” ayon kay Vergeire. (Juliet de Loza-Cudia)

Tonite – Wendys Inhouse Ad