Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH sinigurong walang `VIP’ sa COVID bakuna

0 82

Siniguro ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na walang `VIP treatment’ sa mga opisyal ng gobyerno ang isasagawang pagbabakuna kontra COVID-19.

Ito ang tiniyak ng kalihim sa ginanap na virtual forum kung saan sinabi nito na masusi nilang babantayan na mauunang bakunahan ang mga nasa listahan ng mga prayoridad na mabigyan ng gamot laban sa coronavirus.

“Babantayan natin `yan kaya maganda po ang papel na ginagampanan ng media dahil talagang kasama po naming kayo na magmamatyag,” sabi ni Duque.

Kabilang sa mga nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing prayoridad sa COVID bakuna ay ang mga frontliner sa pandemya, mga sundalo at pulis, mga senior citizen, at mahihirap.

Leave A Reply

Your email address will not be published.