Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH sinuspinde pag-order ng face shield sa PPC

0 65

Hindi muna tatanggap ang Department of Health (DOH) ng mga face shield sa Pharmally Pharmaceutical Corporation (PPC) habang nagsasagawa ito ng sariling imbestiasyon kaugnay sa nabunyag na pagdoktor umano sa expiration date ng mga nabanggit na produkto ng naturang kompanya.

“The DOH has decided to suspend acceptance and further deliveries of face shields from Pharmally, pending the conclusion of the investigations in the department,” sabi ng DOH sa isang pahayag kahapon.

Bilang pag-iingat na rin umano ng DOH kung kaya’t nagpasya sila na suspindehin ang delivery ng mga face shield para na rin sa interes at kaligtasan ng mga health worker.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan umano ng DOH ang ulat na dinoktor ang petsa ng mga face shield na binili ng pamahalaan sa Pharmally.

Nabatid na inatasan ni DOH Secretary Francisco Duque III ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng masusing pagrebisa sa procurement transaction, kasama na ang pag-inspeksiyon sa mga paparating o stock na personal protective equipment (PPE) na binili sa Pharmally sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management.

Ayon kay Health Regulation Team Undersecretary Atty. Charade Mercado-Grande, kapag napatunayan na dinoktor ang mga face shield ay magsasagawa sila ng ligal na hakbang.

“We are fast-tracking our investigation on the face shields delivered to the DOH and if those are the ones being referred to in the Senate hearing. If the face shields are proven to be tampered with, we would definitely take necessary legal remedies,” ani Grande. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.