Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH sinuspinde testing lab na atrasado sa coronavirus report

0 67

Sinampolan ng Department of Health (DOH) ang isang laboratory dahil sa pagkabigong magsumite ng COVID-19 test result sa tamang oras.

“We are able to suspend the license of one of the big laboratories last December 29 because of this continuous non-compliance to our reportorial requirement,” ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Bukod dito, may apat pa umanong ibang laboratoryo ang nahaharap din sa suspensyon dahil sa kaparehong rason. Hindi naman pinangalanan ang mga laboratoryong tintukoy ng opisyal.

Samantala, nagbabala ang DOH sa mga doktor babawian ng lisensya ang mga napatunayang nagbakuna ng hindi rehistradong COVID-19 vaccine.

“Makikipag-ugnayan po ang Departamento ng Kalusugan sa PRC para tignan kung ano po ba ang mga kalalabasan ng investigation, kung sino po ba ang mananagot,” ayon kay Secretary Francisco Duque III.

(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.