Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH tamang duda pa sa pagbaba ng COVID

0 68

Mistulang hindi pa kumbinsido ang Department of Health (DOH) sa pagbabago ng mga kaso ng dinapuan ng COVID-19 sa bansa kung kaya’t pinayuhan nito ang publiko na manatiling sundin ang mga health protocol para na rin sa kanilang kaligtasan.

Ipinahayag kahapon ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 93 lugar pa sa bansa ang nasa ilalim ng alert level 4 na nangangahulugan na nasa 70% o mas mataas pa ang hospital utilization rate.

Aniya, sa National Capital Region (NCR) lamang ay puno pa rin ang mga ospital at ang average na intensive care unit (ICU) utilization rate ay umaabot ng 76%.

SM food to go Banner Ad

“[A]ng bilin natin sa ating mga kababayan, we cannot be complacent at this point. Kailangan ituloy-tuloy natin ang ginagawa natin para patuloy na ma-decongest ang mga ospital,” paliwanag ni Vergeire.

Sa ngayon aniya pinagsisikapan ng DOH na matukoy kung ang pagbaba ng mga kaso ng COVID ay bunga ng binagong alert level system o epekto pa ng mga nakaraang community quarantine.

“In the past experience, makikita natin talaga na bababa ang kaso kapag may ginawa tayong mahigpit na restriction in about three to four weeks. So, tingnan natin in the coming weeks kung magtutuloy talaga ‘yong trend ng pagbaba,” ani Vergeire.

Leave A Reply

Your email address will not be published.