Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH tinabla `no face shield’ sa trabaho

0 148

Hindi sang-ayon ang Department of Health (DOH) sa hirit ng ilang negosyante na payagan ang hindi pagsusuot ng face shiled para sa kanilang mga empleyado.

Giit ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dapat na sundin ang minimum health standard laban sa COVID-19.

“Hindi po, ang amin pong punto at posisyon mula po nung umpisa `yong pagsusuot ng mask, `yong pagsusuot ng face shield, `yong paggawa ng physical distancing, `yong paghuhugas ng kamay,” ayon kay Vergeire.

“Yon po ang aming isinusulong at ina-advocate po sa lahat at hindi po namin iko-compromise itong posisyon na ito dahil base po sa siyensya at ebidensya, sinasabi na when you wear a mask, you can decrease the incidence or probability na ma-infect as much as 70 percent,” aniya pa.

Ayon kay Vergeire, 99 percent umano ang proteksyon sa virus kung magsusuot ng face shield at susundin ang physical distancing.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inutos ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mandatory na pagsusuot ng face shield sa mga trabaho para iwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ipinahayag ito ni Vrgeire bilang tugon sa hirit ng apat na grupo ng mga negosyante na magpatupad ng “practical workplace protocols”.

“But except for the frontliners, we respectfully take exception to the wearing of face shields inside the office and factories for the rest of our employees, since this can adversely affect their vision, physical safety and productivity,” “bahagi ng joint letter ng mga negosyante sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

Kabilang sa sumulat sa IATF ay ang Philippine Chamber of Commerce and Industry, Philippine Silk Road International Chamber of Commerce, Employers Confederation of the Philippines, at Philippine Exporters Confederation.

Subalit tiniyak din ng mga ito na sinusuportahan nila ang pagtiyak ng gobyerno sa kaligtasan ng mga work place. (Juliet de Loza-Cudia/Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.