Abante Tonite Interactive

DOH umapela ng portalet para sa mga bakwit

253

Umapela ang Department of Health (DOH) sa pribadong sektor na mag donate ng mga karagdagang portalet para makasiguro na magkakaroon ng tamang sanitasyon sa mga nagsilikas na nasa iba’t ibang evacuation center dahil sa pagputok ng Bulkang Taal.

“We’ve sent our DOH rapid health assessment teams, we’ve sent our disease surveillance officers, we have been on the lookout by way of early detection of outbreaks. So everything is being put in place but sanitation is what I keep hammering on,” ayon kay Health Secretary Francisco Duque III .

Ayon sa Kalihim mahal ang portalets kaya umaapela sila ng donasyon sa pribadong sektor.

Nalaman na nagkakahalaga ng P60,000 haggang P96,000 kada isa at umaabot naman sa P300 hanggang P800 kapag nirentahan.

“We appeal to them (private sector ), in the spirit of bayanihan and corporate social responsibility of the very progressive private sector entities, it’s a good time to share their resources,” dagdag pa ni Duque.
Habang ang mga toilet na nasa paaralan ay ginagamit na rin bilang evacuation centers.

Pinag aaralan umano ni Duque na magpatayo pa ng mga comfort rooms para sa mga evacuees .

Sa kasalukuyan , nasa 87,000 evacuees ang tumutuloy sa 276 evacuation centers sa Batangas..

“Yung iba namang evacuation centers gaya ng mga paaralan ay may mga sariling banyo so nakakatulong yun pero in the end, we’re really looking at building latrines,” dagdag ni Duque. (Juliet de Loza-Cudia)