Abante Tonite Interactive

DOH Usec nahawa din ng coronavirus

577

Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID19) ang isa pang opisyal ng Department of Health (DOH)

Ginawa ni Health Secretary Francisco Duque III ang kumpirmasyon pero hindi muna pinangalanan ang naturang health official na isa aniyang undersecretary.

Sinabi ni Duque nasa maayos naman ang lagay ng opisyal pero kinakitaan na aniya ng mild symptoms ng COVID-19.

Una nang kinumpirma ng DOH na may isa silang director na nagpositibo sa COVID-19, kung saan na-expose si Duque kaya’t napilitang mag-self quarantine.

Nag negatibo naman ang kalihim sa virus matapos ang ginawang test at tapos na rin ang kanyang quarantine period.

Tonite – Wendys Inhouse Ad